Si Tatang

Lyrics

Si Tatang ay beterano ng kutsero
 Maghapong ang kasama ay kabayo
 Pag-uwi niya sa hapon gagapas ng damo
 Para makain ng kaniyang kabayo
 Si Tatang ay de-primerang kaskasero
 Kaya tuloy natatakot ang pasahero
 Gusto'y laging matulin, hawak ang latigo
 At kaliwa't kanan ang palo sa kabayo
 Oh, Tatang ko na kaskasero
 Huwag paluin ng paluin ang kabayo
 'Pag ang kabayo'y nalito, hindi na magpreno
 Ang punta mo ay sementeryo
 Si Tatang sobra ang tigas ng ulo
 'Di maawat sa pagiging kaskasero
 Gusto'y laging matulin ang takbo ng kabayo
 Dapat sa kanya ay drayber ng bumbero
 Oh, Tatang ko na kaskasero
 Huwag paluin ng paluin ang kabayo
 'Pag ang kabayo'y nalito, hindi na magpreno
 Ang punta mo ay sementeryo
 Oh, Tatang ko na kaskasero
 Huwag paluin ng paluin ang kabayo
 'Pag ang kabayo'y nalito, hindi na magpreno
 Ang punta mo ay sementeryo

Audio Features

Song Details

Duration
02:55
Key
4
Tempo
110 BPM

Share

More Songs by Florante

Albums by Florante

Similar Songs