Bahay

Lyrics

Sagana na sana't lubos ang ligaya
 Sa bahay na ito
 Ngunit parang kulang
 May bangang puno ng tubig, may bigas na isasaing
 Sa paminggalan ay may ulam, wala na halos suliranin
 Itong bahay na kahit pawid
 Sagana sa makakain
 Nag-iisa sa may bukid
 Ligid ng sariwang hangin
 Bahay na gawa sa pawid, nasa lilim ng kawayan
 Luntian ang buong paligid sa gulay at mga halaman
 Itong bahay na kahit pawid
 Palaging kaakit-akit
 Paligid ay kaibig-ibig
 Sa lupa, ito ay langit
 Sagana na sana't lubos ang ligaya
 Sa bahay na ito
 Ngunit mayro'ng kulang
 Kulang ng isang tulad mo
 Ang munting bahay na ito
 Upang maging isang palasyo
 Kulang ng isang tulad mo
 Ang munting bahay na ito
 Upang maging isang palasyo
 Kulang ng isang tulad mo
 Ang munting bahay na ito
 Upang maging isang palasyo

Audio Features

Song Details

Duration
03:26
Key
2
Tempo
116 BPM

Share

More Songs by Florante

Albums by Florante

Similar Songs