Ako'y Tao

Lyrics

Iisipin ng iba na ako'y abang-aba
 Dahil sa kasuotan kong ito
 Ang pantalon ko'y may butas, ang laylayan ay tastas
 May tagpi ang kupas na polo ko
 At kung ito'y sanhi upang kasuklaman
 Ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan
 'Pagkat ako'y tao na may buto't laman
 Tulad nila sa daigdig ay may karapatan
 Sasabihin ng iba na ako'y isang mangmang
 Dahil ang naabot ko'y mababa lang
 Iisa ang diploma, marka'y pasang-awa pa
 Nakamit sa isang mababang paaralan
 At kung ito'y sanhi upang kasuklaman
 Ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan
 'Pagkat ako'y tao na may buto't laman
 Tulad nila sa daigdig ay may karapatan
 May dugo at may laman, may puso at isipan
 Ako'y tao na mayro'ng pakiramdam
 Kahit na inaaba at ituring pang mangmang
 Ako'y tao na walang pakialam
 At kung ito'y sanhi upang kasuklaman
 Ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan
 'Pagkat ako'y taong husto ang isipan
 Tulad nila sa daigdig ay may karapatan

Audio Features

Song Details

Duration
02:50
Key
5
Tempo
100 BPM

Share

More Songs by Florante

Albums by Florante

Similar Songs