Pare Ko

Lyrics

Pare ko, mayro'n akong problema
 'Wag mong sabihing "Na naman?"
 In love ako sa isang kolehiyala
 Hindi ko maintindihan
 'Wag na nating idaan sa maboteng usapan
 Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan
 Anong sarap, kami'y naging magkaibigan
 Napuno ako ng pag-asa
 'Yun pala, hanggang do'n lang ang kaya
 Akala ko ay pwede pa
 Masakit mang isipin, kailangang tanggapin
 Kung kailan ka naging seryoso, 'tsaka ka n'ya gagaguhin
 Oh, Diyos ko, ano ba naman ito?
 'Di ba? 'Tang ina, nagmukha akong tanga
 Pinaasa n'ya lang ako, letseng pag-ibig 'to
 Diyos ko, ano ba naman ito?
 Oh-oh-oh, whoa-oh-oh
 ♪
 Sabi n'ya, ayaw n'ya munang magkasiyota
 Dehins ako naniwala
 'Di nagtagal, naging gano'n na rin ang tema
 Kulang na lang ay sagot n'ya
 Bakit ba ang labo n'ya? 'Di ko maipinta
 Hanggang kailan maghihintay? Ako ay nabuburat na
 Pero minamahal ko s'ya
 'Di biro, T.L. ako sa kanya
 Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
 Pero sana naman ay maintindihan mo
 Oh, pare ko (oh, pare ko), mayro'n ka bang maipapayo?
 Kung wala ay okay lang (kung wala ay okay lang)
 Kailangan lang ay (kailangan lang) ang iyong pakikiramay
 Andito ka ay ayos na (andito ka ay ayos na)
 Masakit mang isipin, kailangang tanggapin
 Kung kailan ka naging seryoso, 'tsaka ka n'ya gagaguhin
 Oh, Diyos ko, ano ba naman ito?
 'Di ba? 'Tang ina, nagmukha akong tanga
 Pinaasa n'ya lang ako, letseng pag-ibig 'to
 Diyos ko, ano ba naman ito?
 'Di ba? 'Tang ina, nagmukha akong tanga
 Pinaasa n'ya lang ako, letseng pag-ibig 'to
 Diyos ko, ano ba naman ito?
 Oh-oh-oh, whoa-oh-oh
 Oh, oh-oh, whoa-oh-oh
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:25
Key
7
Tempo
145 BPM

Share

More Songs by Eraserheads

Albums by Eraserheads

Similar Songs