Bakit Ako Mahihiya

2 views

Lyrics

Bakit ako mahihiya
 Kung ang puso'y sumisinta?
 Dapat ko bang ikahiya
 Kung ibigin ko ikaw, sinta?
 Bakit ako mahihiya
 Kung sa iyo'y liligaya?
 Ang pag-ibig mo lamang ang siyang tanging aliw sa buhay
 'Pagkat kita'y minamahal
 No'ng kita'y mahalin, hindi ko na inisip
 Ang kinabukasan ko
 Ang nadarama ko'y iniibig kita
 Pag-ibig na walang maliw
 Sabihin man nila na ako'y isang baliw
 Kung dahil sa iyo, giliw
 Ay tatanggapin kong maluwag sa dibdib
 Sapagkat mahal kita
 Bakit ako mahihiya
 Kung sa iyo'y liligaya?
 Ang pag-ibig mo lamang ang siyang tanging aliw sa buhay
 'Pagkat kita'y minamahal
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:02
Tempo
98 BPM

Share

More Songs by Didith Reyes

Albums by Didith Reyes

Similar Songs