Hanggang Saan

Lyrics

Hanggang saan makararating
 Isang gabing pagsasama natin?
 At kung mayro'n ka sa aking pagtingin
 Bakit 'di mo man lang bigkasin?
 Bukas kaya'y malimutan mo na
 Kapag ika'y nasa piling ng iba?
 Ako ba'y ulam na iyong tinikman
 Na itatabi 'pag 'di nagustuhan?
 Kahit minsan nang dumaan
 Ang gabing ito, hindi kita malilimutan
 Buong loob akong sumama
 Nang sumaya sa init ng gabing walang dangal, whoa
 ♪
 'Di mo maaalis sa puso't isipan
 Ang magtanong kung bakit laging minsan lang
 Kailan muling mayro'ng magmamahal?
 Bakit laging hanggang dito na lang?
 Kahit minsan nang dumaan
 Ang gabing ito, hindi kita malilimutan
 Buong loob akong sumama
 Nang sumaya sa init ng gabing walang dangal
 Hanggang saan makararating (hanggang saan)
 Isang gabing pagsasama natin? Oh
 Kailan muling mayro'ng magmamahal?
 Bakit laging hanggang dito na lang?
 Hanggang saan makararating (hanggang saan)
 Isang gabing pagsasama natin? (Hanggang saan)
 At kung mayro'n ka sa aking pagtingin
 Bakit 'di mo man lang bigkasin?
 Hanggang saan makararating (hanggang saan)
 Isang gabing pagsasama natin? (Hanggang saan)
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:40
Key
3
Tempo
73 BPM

Share

More Songs by Cherie Gil

Albums by Cherie Gil

Similar Songs