Maling Akala

Lyrics

May mga kumakalat na balita
 Na ang misis ni kuwan ay madaling makuha
 Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
 Marami ang namamatay sa maling akala
 ♪
 Nung ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo
 Nung ako'y naging binata, sa erpat ng syota ko
 Ngayon ay may asawa, mayro'n ng pamilya
 Wala namang multo ngunit takot sa asawa ko
 'Di mo na kailangan mag-alinlangan
 Kung tama ang gagawin mo
 Basta't huwag kalimutan magdahan-dahan
 Kung 'di sigurado sa kalalabasan
 Kalalabasan ng binabalak mo
 ♪
 Maliit na butas, lumalaki
 Konting gusot, dumadami
 'Di mo maibabaon sa limot at bahala
 Kapag nabulag ka, ah, ng maling akala
 ♪
 Nasa'n na ba ako? Kaninong kama 'to?
 Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto?
 Naglayas sa bahay, akala madali ang buhay
 Ngayon ay nagsisi dahil 'di nakapagtapos
 'Di mo na kailangan mag-alinlangan
 Kung tama ang gagawin mo
 ♪
 Basta't huwag kalimutan magdahan-dahan
 
 Kung 'di sigurado sa kalalabasan
 Kalalabasan ng binabalak mo
 ♪
 Maliit na butas, lumalaki
 Konting gusot, dumadami
 'Di mo maibabaon sa limot at bahala
 Kapag nabulag ka, ah
 
 May mga kumakalat na balita
 Na ang kaligtasa'y madaling makuha
 Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
 Marami ang namamatay sa maling akala
 ♪
 Sa maling akala, oh, yeah
 Sa maling akala
 (Maliit na butas, lumalaki) Sa maling akala
 (Konting gusot, dumadami)
 (Maliit na butas, lumalaki)
 (Konting gusot, dumadami)
 Maliit na butas, lumalaki
 Konting gusot, gumagrabe
 'Di mo maibabaon sa limot at bahala
 Kapag nabulag ka, ah
 ♪
 Ng maling akala
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:49
Key
7
Tempo
101 BPM

Share

More Songs by Brownman Revival

Albums by Brownman Revival

Similar Songs