Ngayon At Kailanman

4 views

Lyrics

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
 Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
 Ngayon, gugulin mo ng tama't mahusay
 Bawat saglit at sandali, magsikap ka't magpunyagi
 Maging aral bawat mali
 Ngayon, bago ito ay maging kahapon
 Ang pagkakataon sana'y huwag itapon
 Ikaw, tulad ko rin ay may dapit-hapon
 Baka ika'y mapalingon sa nagdaang bawat ngayon
 Nasayang lang na panahon
 Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
 Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang
 Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
 Kay ganda ng buhay ngayon
 Sa buhay mong hiram, mahigpit man ang kapit
 May bukas na sa 'yo'y 'di na rin sasabit
 Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
 Masasabi mong kahit na ang bukas 'di sumapit pa
 Ang naabot mo'y langit na
 Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
 Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang
 Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
 Kay ganda ng buhay, bukas mo'y matibay
 Dahil ang sandiga'y ngayon

 Ngayon

Audio Features

Song Details

Duration
04:30
Key
10
Tempo
77 BPM

Share

More Songs by Basil Valdez

Albums by Basil Valdez

Similar Songs