Kurakot
10
views
Lyrics
Kapag ako'y nahalal, gagawin ko lahat ng makakaya ko Aayusin ko ang sirang kalsada at tatapusin ko na ang baha sa lugar niyo Gagawa ako ng maraming proyekto para sa ikauunlad ng bayan ko Basta sa akin ang nobenta, sa inyo ang sampung pursiyento Pang jeep, pang botika Pang palengke, kurakot Pang eskwela, pang opisina Pang puhunan, kurakot Kinurakot Sir magandang hapon po Nakita niyo po ang pulang ilaw, bakit niyo pa dineretso? Pahiram saglit ng lisensya niyo Alam niyo ho bang limang daan ang multa diyan at ubos oras yan? Ganito na lang po, iipit niyo na lang po diyan pang merienda Para 'di na kayo maabala Pang jeep, pang botika Pang palengke, kurakot Pang eskwela, pang opisina Pang puhunan, kurakot Kinurakot Ano po bang laman ng kahon? Pwede bang masilip at mabilang yan? Sanay po ba kayong maghintay ng isang taon O baka gusto nyo muna maglaro ng pera o kahon? Madali lang po 'to, sa akin ang pera Papalusutin natin ang laman ng kahon Pang jeep, pang botika Pang palengke, kurakot Pang eskwela, pang opisina Pang puhunan, kurakot ♪ Pang jeep, pang botika Pang palengke, kurakot Pang eskwela, pang opisina Pang puhunan, kurakot Kinurakot Magandang umaga po, ma'am, sir Ako ang inyong friendly neighbor at business partner Pwede po bang makita ang libro niyo? May option po tayo, buksan natin yan o hindi na? At ako na ang bahala diyan, basta sa amin ang sampung milyon Ang barya para sa koleksyon Pang jeep, pang botika Pang palengke, kurakot Pang eskwela, pang opisina Pang puhunan, kurakot Pang jeep, pang botika Pang palengke, kurakot Pang eskwela, pang opisina Pang puhunan, kurakot Kinurakot Kurakot Kinurakot Kurakot
Audio Features
Song Details
- Duration
- 04:47
- Key
- 11
- Tempo
- 131 BPM