Sayang Ka

Lyrics

Sayang ka, pare ko
 Kung 'di mo ginagamit ang 'yong talino
 Sayang ka, aking kaibigan
 Kung 'di mo ginagamit ang 'yong isipan
 Ang pag-aaral ay 'di nga masama
 Ngunit ang lahat ng pinag-aralan mo'y matagal mo nang alam
 Ang buto ay kailangang diligin lamang
 Upang maging isang tunay na halaman
 Pare ko, sayang ka
 Kung ika'y musikerong walang magawang kanta
 Sayang ka, kung ikaw
 Ay taong walang ginawa kundi ang gumaya
 Ang lahat ng bagay ay may kaalaman
 Sa lahat ng bagay sa kanyang kapaligiran
 Idilat mo ang 'yong mata, ihakbang ang mga paa
 Hanapin ang landas na patutunguhan
 'Pagkat ang taong mulat ang mata
 Lahat ng bagay, napapansin niya
 Bawat kilos niya ay may dahilan
 Bawat hakbang may patutunguhan
 Kilos na, sayang ka
 Sayang ka, aking kaibigan
 Kung 'di mo makita ang gamit ng kalikasan
 Ang araw at ulan
 Sila ay narito, iisa ang dahilan
 Sayang ka kung wala kang nakita sa ulan
 Kundi ang basa, sa 'yong katawan
 Sayang ka kung wala kang nakita sa araw
 Kundi ang sunog, sa 'yong balat
 'Pagkat ang taong mulat ang mata
 Lahat ng bagay, napapansin niya
 Bawat kilos niya ay may dahilan
 Bawat hakbang may patutunguhan
 Kilos na, sayang ka
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:06
Key
2
Tempo
98 BPM

Share

More Songs by Asin

Albums by Asin

Similar Songs