Pag-asa

4 views

Lyrics

Noong una kitang makita, ako'y natuwa
 At may hawak ka pang lumang gitara
 Inawit mo ang isang tugtuging nagbigay saya
 Sa aking damdaming nagdurusa
 Binigyan mo ako ng pag-asa
 Nilutas mo ang aking mga problema
 Sana 'wag kang mawala (sa piling ko)
 Sana 'wag kang mawala
 Dinagdagan mo ng lakas ang aking kalooban
 Upang tanggapin ang katotohanan
 Dinagdagan mo ng lakas ang aking kahinaan
 Upang harapin ang kahirapan
 Ginising mo ang tulog kong isipan
 Inilawan mo ang dilim kong kapaligiran
 Sana 'wag kang mawala (sa piling ko)
 Sana 'wag kang mawala
 Noong unang wala ka pa, ako'y litong-lito
 Dahil sa mundong kay gulo
 Ngayon, sa piling mo, ako ay nahango
 At nagkaisip nang matino
 Sana hindi ka na magbago
 Mula ngayon, hanggang sa dulo
 Sana 'wag kang mawala (sa piling ko)
 Sana 'wag kang mawala

Audio Features

Song Details

Duration
03:14
Key
9
Tempo
163 BPM

Share

More Songs by Asin

Albums by Asin

Similar Songs