Sandaklot

Lyrics

Salita, puro ka salita
 Ganiyan ka kaibigan na kulang sa gawa
 Tingnan mo ang mata ng buong madla
 Sa 'yo nakatingin dahil sa ugaling masagwa
 Ito'y ugaling makikita sa tabi-tabi
 Ba't mo pa rin pinaiiral sa 'yong sarili
 Hindi mo ba alam na ika'y nahuhuli
 Sa takbo ng panahon iba'y nakausli
 Animo'y anghel kung magsasalita
 Sa kilos nama'y 'di mo makikita
 Taong katulad mo'y 'di dapat bigyan
 Kahit katiting na puwang dito sa lipunan
 Ang kabaitan ay 'di na sinasabi
 Ganon din ang pagmamahal sa 'yong katabi
 Ba't 'di mo na lang gawin ang dapat gawin
 Ayon sa utos na dapat sundin
 Salita, puro ka salita
 Ganiyan ka kaibigan na kulang sa gawa
 Ba't 'di mo na lang gawin ang dapat gawin
 Ayon sa utos na dapat sundin
 Magbago ka, aking kaibigan
 Kumilos ka, aking kapatid
 Magbago ka
 

Audio Features

Song Details

Duration
02:29
Key
9
Tempo
114 BPM

Share

More Songs by Asin

Albums by Asin

Similar Songs