Tinamaan Ako

Lyrics

Nang kita ay makilala, napatulo ang laway ko
 Binti ko ay nangatog, ako'y sumemplang at nauntog
 Ewan ko, ano ba'ng mayro'n ka't kikay na 'to'y napaamo mo?
 Nabihag mo ang puso kong pihikan, agad na-in love sa 'yo
 Ikaw ba ay 'sang droga at naaadik ako?
 Isang kindat mo lang, mapapa-tumbling na ako
 Tinamaan na ako, walanghiya ka, Kupido
 Nasira'ng schedule ko, putris na kabaliwan ito
 Lumalaki na'ng eyebags ko, 'di makatulog dahil sa 'yo
 Nagmumukhang zombie na ako, 'di mapakali, ano ba 'to?
 Sana lang, mapapansin mo rin ang kagandahan kong ito
 Hirap na kasi ang lola mo, nabaliw na 'ata sa kapapantasya sa 'yo
 Daig mo pa si Pacman, napatumba ako
 Isang sulyap mo lang, natotorete na ang utak ko
 Tinamaan na ako, walanghiya ka, Kupido
 Nasira'ng schedule ko, putris na kabaliwan ito
 Tinamaan na ako, walanghiya ka, Kupido
 Nasira'ng schedule ko, putris na kabaliwan...
 Tinamaan ako (my papa)
 Pansinin mo ako (oh, sana)
 Oras ko'y iyong-iyo (kaloka)
 Sabihin mo lang sa akin na mahal mo ako
 Ililibre ko ang tropa mo
 Tinamaan na ako, walanghiya ka, Kupido
 Nasira'ng schedule ko, putris na kabaliwan ito
 Tinamaan mo ako, hiling ko, Mr. Kupido
 Panain mo rin s'ya nang pagnasaan n'ya rin ako
 (La, la, la, la, la, la) Hiling ko, Mr. Kupido
 (La, la, la, la, la, la)
 (La, la, la, la, la) Hiling ko, Mr. Kupido
 (La, la, la, la, la)

Audio Features

Song Details

Duration
04:56
Key
9
Tempo
137 BPM

Share

More Songs by Anne Curtis

Similar Songs