Humanap Ka Ng Panget

Lyrics

Ay, nako, ayan, kasi, ano?
 Ang hihilig kasi sa magagandang lalaki
 Ang hilig sa magandang babae
 Oh, ano napala n'yo? Eh, 'di wala
 Kaya kung ako sa inyo, makinig na lang kayo sa sasabihin ko
 Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
 'Yan ang dapat mong gawin kaya makinig ka sa 'kin
 And it goes a little something like this
 Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay
 Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
 Isang pangit na talagang 'di mo matanggap
 At huwag ang lalaki na iyong pangarap
 Ngunit kung bakit ko sinabi 'to'y simple lang
 'Pagkat magagandang lalake ay naglalaro lang
 Ng 'yong oras, pagod, hirap, at salapi
 Ngunit handang-handang iwanan ka naman sa sandali
 Na ikaw ay wala nang ibigay, 'di ba?
 Kaya't pangit na lalaki ang hanapin mo, 'day
 Kung hindi, sige ka, puso mo'y mabibiyak
 Mawalay man ang pangit, hindi ka iiyak
 Humanap ka ng pangit ('wag na, uy, 'wag na 'wag, 'wag na, uy)
 Humanap ka ng pangit ('wag na, 'wag na, uy, 'wag na 'wag, 'wag na, uy)
 Humanap ka ng pangit ('wag na, uy)
 Ibigin mong tunay ('wag na 'wag, 'wag na, uy, 'wag na, uy, 'wag na 'wag)
 Humanap ka ng pangit ('wag na, uy, 'wag na, uy, 'wag na 'wag)
 Humanap ka ng pangit ('wag na, uy, 'wag na, uy, 'wag na 'wag)
 Humanap ka ng pangit ('wag na, uy)
 Ibigin mong tunay ('wag na 'wag, 'wag na, uy)
 Isang pangit na babae na mayro'ng pagtingin
 Mangaliwa ka man, ah, sige lang, and'yan pa rin
 'Pagkat ikaw talaga ang kanyang pag-aari
 Pag-isipan kang iwanan, hindi na maaari
 At kung malingat ka man, huwag mag-alala
 Sigurado ka naman, walang makikipagkilala
 Kung kasama mo s'ya, 'di bale na katakutan, okay lang
 Kung ikaw nama'y paglilingkuran
 Kaya't para lumigaya ang iyong buhay
 Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
 At kung hindi, sige ka, puso mo'y mabibiyak
 Mawalay man ang pangit, hindi ka iiyak, 'di ba?
 Humanap ka ng pangit ('wag na, uy, 'wag na 'wag, 'wag na, uy)
 Humanap ka ng pangit ('wag na, uy, 'wag na 'wag, 'wag na, uy)
 Humanap ka ng pangit ('wag na, uy)
 Ibigin mong tunay ('wag na, uy, 'wag na 'wag)
 Humanap ka ng pangit ('wag na, uy, 'wag na, uy, 'wag na 'wag)
 Humanap ka ng pangit ('wag na, uy, 'wag na, uy, 'wag na 'wag)
 Humanap ka ng pangit ('wag na, uy, 'wag na, uy)
 Ibigin mong tunay ('wag na 'wag, 'wag na, uy)
 Sasabihin ko sa inyo kung ano'ng nangyari
 Na may na-date akong isang pangit na babae
 Manliligaw daw niya ay talagang ang dami
 Ngunit nang s'ya'y nakita ko, mukha s'yang lalake
 At sa 'kin ay matatawa ka talaga
 'Pagkat kahawig na kahawig n'ya si Zoraida
 Maniwala ka't ako'y napaibig n'ya, bakit?
 (Eh, kasi, ang bait-bait n'ya)
 Lahat ng aking hilingin, 'di tumatanggi
 Palagi s'yang nakahalik sa aking pisngi
 Ako'y shock (ha)
 Araw-araw na tuwing kasama ko siya, gusto kong sumigaw
 Gusto kong iwanan s'ya ngunit ako'y nag-isip
 Ito ba'y totoo o isang panaginip?
 'Di s'ya maganda ngunit ako'y kanyang hari
 (Iyan ba'ng dahilan kaya't kasama mo palagi?)
 Sabihin man nila na ako'y mangmang
 Para sa akin, kagandahan ay hanggang balat lamang
 At sa inyo, mayro'n akong ibubulong
 "Second anniversary na namin 'to, tsong"
 Kaya't para lumigaya ang iyong buhay
 Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
 At kung hindi, sige ka, puso mo'y mabibiyak
 Mawalay man ang pangit, hindi ka iiyak (sige na nga)
 Humanap ka ng pangit (sige na nga)
 Humanap ka ng pangit (sige na nga)
 Humanap ka ng pangit (sige na nga)
 Ibigin mong tunay (sige na nga)
 Humanap ka ng pangit (sige na nga)
 Humanap ka ng pangit (sige na nga)
 Humanap ka ng pangit (sige na nga)
 Ibigin mong tunay
 So, you better watch out, you better not cry
 You better not pout, I'm telling you why
 Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
 'Cause the girls and the guys did tell you all lies
 You have to find out who's naughty, who's nice
 Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
 Break it down
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:42
Key
6
Tempo
178 BPM

Share

More Songs by Andrew E.

Albums by Andrew E.

Similar Songs