Tunay

1 views

Lyrics

Umaga na naman, kaibigan
 'Di mo na kailangang mag-alala
 Kahit ano pa ang kahihinatnan
 Ng balak mo sa buhay mong mapag-alala
 Kahit saang sulok pa ng daigdig
 Kahit humina na ang pandinig
 Hindi maaaring hindi marinig
 'Di papayagang ika'y magipit
 Saan mang landas, ako'y mahahagip
 Tunay na tunay, tunay na tunay
 ♪
 Dumidilim na naman ang kalangitan
 Lumakad ka, kaibigan, ika'y aking sasabayan
 Magtiwala ka 'pagkat tayo'y makakarating
 Ang sumusuko lang ang 'di magwawagi
 Kahit anong layo pa ang marating
 Kahit lumabo pa ang mga tingin
 Hindi maaaring hindi matanaw
 'Di papayagang ika'y mawala
 Saan mang landas, ako'y magiging tapat
 Tunay na tunay, tunay na tunay
 ♪
 Hindi maaaring hindi marinig
 'Di papayagang ika'y magipit
 Saan mang landas, ako'y mahahagip
 Tunay na tunay, tunay na tunay
 Tunay na tunay, tunay na tunay
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:26
Key
2
Tempo
76 BPM

Share

More Songs by 6cyclemind

Albums by 6cyclemind

Similar Songs