Dinamayan

4 views

Lyrics

Dinamayan mo ako sa aking pag-iisa
 Nakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawa
 Kung ang gabi ay lumalamig
 Taglay ko ang yakap mo
 Ang init ng iyong pagmamahal
 Ay walang kasing-alab
 ♪
 At dahil sa iyo, napukaw ang damdamin ko
 Natuto akong mangarap sa gitna ng kadiliman
 Hinarap ko ang kahirapan, minahal ko ang buhay
 Ang langit ay abot-kamay lamang
 Kung ako'y nasa piling mo
 ♪
 At sa pagsapit ng dilim, ikaw ang liwanag ko
 Parang isang dasal na lagi kong inuusal
 Ang tinig mong malambing, sa diwa ko'y nakatanim
 Kahit saan ka man naroroon, naririnig ko sa hangin
 ♪
 At dinamayan mo ako sa aking pag-iisa
 Nakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawa
 Ang tinig mong malambing, sa diwa ko'y nakatanim
 Kahit saan ka man naroroon, naririnig ko sa hangin
 Kahit saan ka man naroroon, naririnig ko sa hangin
 Kahit saan ka man naroroon, naririnig ko sa hangin
 Kahit saan ka man naroroon, naririnig ko
 Naririnig ko sa hangin
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:15
Key
10
Tempo
120 BPM

Share

More Songs by 6cyclemind

Albums by 6cyclemind

Similar Songs