Kasalanan (feat. Gloc 9)

3 views

Lyrics

Maari bang makausap ka?
 'Di na biro ang nararamdaman
 Nalungkot sa aking buhay
 Mula nang ika'y matauhan
 Patawarin mo ako
 Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan
 Patawarin mo ako
 Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan
 ♪
 Maari bang mapigilan pa
 Ang 'yong 'di maaming binabalak?
 Nakalimutan mo na ang pagsasama
 'Di na ba kayang mapagbigyan?
 Patawarin mo ako
 Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan
 Patawarin mo ako
 Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan
 Patawad ay isang salitang animo'y isang parusa
 Ito'y sasambitin mo lang kung lahat ay huli na
 At 'di na maibabalik ang dating pinagsamahan
 Parang putik sa mukha na pinahid nang pabalang
 Sa 'yo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
 Habang siya'y bigay nang bigay at ipinauubaya
 Lahat ng makakabuti kahit na panghuling butil
 Ay iaabot sa iyo, parang ika'y isang inutil na hindi nag-iisip
 Wala kang nararamdaman
 Subukan mang pumikit, wala kang natatandaan
 Lagi mong inaalala ang para lamang sa 'yo
 Walang iba kung 'di ikaw at kailanma'y walang kayo
 Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit
 Ika'y sasaktan, sumisigaw ng salitang pumupunit
 Kahit sabihin mong kausapin ang 'di na sasagot
 Akapin man nang mahigpit ay 'di mo na maabot, patawad
 'Di na mauulit
 'Di na uulitin
 Sana'y tanggapin mo
 Patawarin mo ako
 Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan
 Patawarin mo ako
 Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan
 Tayoy'y nagkagulo't nagsigawan at halos magtulakan
 Sa galit ko, ako'y lumayas at 'di ka binalikan
 Sinimot ang lahat ng pangako at 'tong pagmamahal
 Sumpaan natin sa isa't isa. 'di rin nagtagal
 Ang gabi ay laging umaga, umaga'y laging gabi
 Ako'y gumigising nang 'di ko kilala ang katabi
 Paulit-ulit na ganito ngunit ng aking makita
 Larawan mo sa loob ng aking lumang pitaka
 Ay nalaman ko, hinanap ko ang tunay na sarili ko
 Nakita ko, nalaman ko, ito ay nasa piling mo
 Inipon ang lahat ng aking lakas ng loob
 Ngunit bakit parang 'di maganda ang aking kutob?
 Nilapitan ka at pilit na tinitingnan sa mata
 Ako'y nagdarasal na sabihin mo sa 'kin, "Pwede ba?"
 Ika'y hindi kumikibo at parang lumalayo
 Tila pag-ibig mo sa akin, tuluyan nang natuyo
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:25
Key
11
Tempo
145 BPM

Share

More Songs by 6cyclemind'

Similar Songs