Dahil Sa 'Yo

Lyrics

Bakit ba 'di mapakali
 Sa tuwing ika'y ngumingiti
 Ikaw sa'kin ay natatangi
 Hinihiling na ikaw ay makasama lagi
 Bawat sulyap sayong
 Mga matang bumihag sa'kin
 Napapabilis ang tibok ng puso't kabog nitong dibdib
 Paano ko ba maihahayag sayo, oh baby
 Ikaw ang dahilan ng awiting ito
 Oooh
 (Dahil sa'yo)
 Ito ay nabuo
 (Dahil sa'yo)
 Nagkaron ng tono, ooh
 (Dahil sa'yo)
 Naisulat ko ang mga hindi ko masabi
 (Dahil sa'yo)
 Pilit kong tinatago
 Pero di na maipagkaila
 Pag tingin para sa'yo
 Lumalalim bawat sandali
 Aking galaw ay taliwas sa nararamdaman
 'Di na alam kung paano umasta pag nandiyan ka
 Alam ko naman na ako ay posible ring masaktan
 'Di bale na
 Wala nang atrasan to
 Oooh
 (Dahil sa'yo)
 Ito ay nabuo
 (Dahil sa'yo)
 Nakaron ng tono, ooh
 (Dahil sa'yo)
 Naisulat ko ang mga hindi ko masabi
 (Dahil sa'yo)
 Once again
 Dahil sayo ang araw sumisikat
 Dahil sayo may rason akong dumilat
 Dahil sayo tumitila ang ulan
 Dahil sayo mayroong patutunguhan
 Ikaw ang bituin nagsisilbing gabay
 Ikaw ang inspirasyon sa paglalakbay
 Ikaw ang anghel na laman ng panaginip
 Ikaw ang nilalang na sumasagip
 Kung ako ang papel, ikaw ang kulay
 Gawin mong obra maestra ang aking buhay
 Wala akong hiling maliban sa'yo
 Nagkatono ang musika ng dahil sa'yo
 Dahil sa'yo
 'Di malaman kung pano sisimulang
 Ipararamdam na ako sa'yo'y may pagtingin
 Ang bugso ng damdamin
 Nangangambang 'di mapansin
 Sa kanta nalang idadaan ang saloobin
 (Dahil sa'yo)
 Ito ay nabuo
 (Dahil sa'yo)
 Nakaron ng tono, ooh
 (Dahil sa'yo)
 Naisulat ko ang mga hindi ko masabi
 (Dahil sa'yo)
 Ito ay nabuo
 (Dahil sa'yo)
 Nakaron ng tono, ooh
 (Dahil sa'yo)
 Naisulat ko ang mga hindi ko masabi
 (Dahil sa'yo)

Audio Features

Song Details

Duration
03:52
Key
2
Tempo
186 BPM

Share

More Songs by Yassi Pressman'

Albums by Yassi Pressman'

Similar Songs