Tulad Mo (Like A Lover)

Lyrics

Itong tula't kantang aking nais iparating, Heto ang makatang bibo na malinis ang hangarin,
 Pakinggan ang mga lirikong aking sasambitin,
 Buhay ng batang nangangarap makamit ang mithiin,
 Sa mundong ibabaw mga tao ay iba-iba, Simula't sapul musmos na isip ay di alintana,
 Ang biyayang binigay sakanya ng Panginoon,
 Sa kanyang palad palagi mga dasal ay may tugon,
 Tila ba sa bawat pag-awit nagmula sa puso,
 Ngiti sa mga labi pagtapak ng entablado,
 Mga taong binubulong sinisigaw kanyang pangalan,
 Lubos ang ligaya sa musikang nilalaan ngunit sa kabila ng kanyang tinatahak na landas para bang may kapalit at magulo ang dinaranas,
 Dating buhay,
 Ang simpleng pamumuhay,
 Kung di lang sa pangarap na nabibigay na kulay
 Parang ihip lang ng hangin ang panahon,
 Maraming tatahakin sa bawat yugto,
 Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo,
 Tao lang naman ako na tulad mo
 Kay sarap isipin ang pangarap na tinatama sa
 Parang panaginip ang lahat ika'y sagana
 Ngunit hindi kayang iwasan ang mapanghusga
 Na para bang tuwang tuwa kapag ika'y nadarapa
 At minsan tinamaan nga naman ni Kupido,
 Para bang nasa langit subalit naging komplikado,
 Iniwang nakalutang at tuluyang nag-iisa,
 Paulit-ulit ang tanong,
 Sino ba ang nagkasala
 Nagtiwala kasalanan bang damdamin ay tapat,
 Yun ang akala ako pala'y hindi parin sapat,
 Damang-dama,
 Mga sugat mahirap mawala
 Hanggang sa pumatak nalang ang mga luha sa lupa,
 Na tila ba,
 Nabubulagan,
 Bakas ang nakaraan,
 Na di na dapat balikan sa laki ng kamalian,
 Tuloy ang buhay at pangarap sa bawat segundo,
 Tao lang naman ako at DAKILANG MACHO!
 Parang ihip lang ng hangin ang panahon,
 Maraming tatahakin sa bawat yugto,
 Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo tao lang naman na tulad mo
 Ohohowoh Oh
 Parang ihip lang ng hangin ang panahon,
 Maraming tatahakin sa bawat yugto,
 Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo tao lang naman ako na tulad mo
 Parang ihip lang ng hangin ang panahon,
 Maraming tatahakin sa bawat yugto,
 Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo tao lang naman ako na tulad mo
 Na tulad mo
 Na tulad mo
 Na tulad mo
 Ohohohowoh

Audio Features

Song Details

Duration
03:46
Key
9
Tempo
118 BPM

Share

More Songs by The Company

Albums by The Company

Similar Songs