Pati Ba Pintig Ng Puso

2 views

Lyrics

Ano ang hangganan
 Ng dalawang pusong nagtagpo
 Sumabay sa isa't isa
 Nagpatangay sa di mapigil na pag-ibig
 Paano ko susukatin
 Kung ilan at hanggang saan
 Ang abot ng pagmamahal
 Ngayo'y gumugulo sa aking isipan
 Pati pintig ng puso ko
 Bawat ngiti, bawat hikbi
 Ngayon ay hawak mo
 Bawat yugto ng buhay ko
 Bawat hakbang, bawat galaw
 Ngayon ay tangan mo
 Pagbilog, pagliit ng buwan
 Paglipas ng bawat araw
 Iisa lang ang natatanaw
 Walang iba kundi ikaw
 Ano pa ang maaaring itago ko't
 Ipagdamot ngayon
 Mayroon pa bang
 Nalalabing bahagi ng buhay kong mula sa iyo
 Umaga at kadiliman
 Nagsama at naging isa
 Hindi ko na namalayang
 Lahat sa buhay ko pala ngayon'y ikaw
 Pati pintig ng puso ko
 Bawat ngiti, bawat hikbi
 Ngayon ay hawak mo
 Bawat yugto ng buhay ko
 Bawat hakbang, bawat galaw
 Ngayon ay tangan mo
 Ang tangi kong hinihiling
 Ako'y laging mahalin
 At sana'y ingatan mo
 Baka tumitigil
 Sana'y itago mo
 Baka maglaho
 Pati pintig ng puso kong sumasamba
 Nagmamahal sa iyo...

Audio Features

Song Details

Duration
04:18
Key
10
Tempo
80 BPM

Share

More Songs by Sharon Cuneta

Albums by Sharon Cuneta

Similar Songs