Pasan Ko Ang Daigdig

2 views

Lyrics

Kay tagal ko nang hindi lumuluha
 Paghihirap ko'y naitago sa madla
 Ngiting likas na bunga ng sigla at tuwa
 Ngayo'y balat-kayo na lang kaya?
 Mabuti pa'ng sanggol na hindi pa makapagsalita
 Damdamin n'ya'y naipadarama, parinig lang kanyang uha
 Wala pa s'yang lumipas na dapat ikahiya
 O alaalang pagmumulan ng pangungutya
 Nagdaan sa buhay ko'ng mga araw
 At katanyagan ang kapalarang nakamtan
 Ngunit, 'di malimot sa anumang paraan
 Damdaming sinikil nang kay tagal
 Luha ko'y hahayaang dumaloy na muli
 Hanggang 'di napapawi sa puso ko'ng hapdi
 Sa labi ko'y mamamasdan, ngiting 'di masilayan
 Habang puso ko'y bihag pa ng karimlan
 Dasal ko'y maranasan kung paano'ng magmahal
 Nang may pagtitiwala sa Diyos na Maykapal
 At dahil S'ya ang may likha ng buhay at pag-ibig
 Sa Kanya pauubaya, pasan ko'ng daigdig
 ♪

Audio Features

Song Details

Duration
04:55
Key
7
Tempo
133 BPM

Share

More Songs by Sharon Cuneta

Albums by Sharon Cuneta

Similar Songs