Kahit Wala Ka Na

2 views

Lyrics

Minsan ang buhay parang musika
 Puro tunog, damdamin ay wala
 'Pag iyong naririnig, may hinahanap pa
 Wala nang buhay, may kulang pa rin
 Ito ang nadama nang mawala ka
 At sa haba ng gabi, nasanay din ako
 Napatunayan kong kahit nag-iisa
 Tuloy ang buhay, kahit wala ka na
 Kahit wala ka na, kahit wala ka na
 Bukas ay naghihintay sa gitna ng pag-iisa
 At kung sakali mang iibig pang muli
 Sisikapin kong hindi na muling magkamali
 Mahirap mang gawing limutin ka
 May luha man sa'king mga mata
 Tuloy ang buhay, kahit wala ka na
 Kahit wala ka na, kahit wala ka na
 Bukas ay naghihintay sa gitna ng pag-iisa
 At kung sakali mang iibig pang muli
 Sisikapin kong hindi na muling magkamali
 Itatayo ako ng panahon
 Sa luhang dulot ng nakaraan
 Tuloy ang buhay, kahit wala ka na

Audio Features

Song Details

Duration
03:43
Key
7
Tempo
140 BPM

Share

More Songs by Sharon Cuneta

Albums by Sharon Cuneta

Similar Songs