Misteryo

Lyrics

Hmm, yeah, yeah
 Whoa-oh, ooh, oh
 'Di na mahanap ang kasagutan
 Natutuliro ang isip
 Binabagabag ng katanungan
 Ng mapagbirong pag-ibig
 May ibig sabihin ba kung parang kayo
 Pero wala lang, ano ba'ng kaugnayan?
 Sino ba'ng 'di mahihirapan?
 Pag-ibig na kay alap, wala kang katiyakan
 Teka muna
 Para bang akdang baybayin
 Teka muna
 Na 'di ko magawang basahin
 Naririto, nalilito
 Ano nga ba'ng nais pahiwatig?
 Naririto, nalilito
 Dapat bang sumuko o manalig?
 Tunay o laro man 'to
 Ay umaasa ang puso, oh, oh
 Ito'y palaisipang misteryo
 Iya-iyo, iya-iyo, oh
 Iya-iyo, iya-iyo, oh
 Sino ba'ng dapat sisihin?
 Marahil mali rin na mahulog
 Sino ba'ng may sabing isipin kita
 Sa paggising hanggang pagtulog?
 'Di ko batid kung kasalanang
 Bigyang-kahulugan ang tamis na naranasan
 Kaya ngayon ay nangangapa lang
 Kung may mapapala o hanggang dito na lamang
 Teka muna
 Para bang akdang baybayin
 Teka muna
 Na 'di ko magawang basahin
 Naririto, nalilito
 Ano nga ba'ng nais pahiwatig?
 Naririto, nalilito
 Dapat bang sumuko o manalig?
 Tunay o laro man 'to
 Ay umaasa ang puso, oh, oh
 Ito'y palaisipang misteryo
 Parang talinhagang hindi ko mabatid
 Para bang hiwagang kagitlahanan ang hatid
 Kahit na pilitin ko, gulong-gulo ang isip ko, oh, oh
 Ito'y palaisipang misteryo, oh, oh, oh
 Naririto, nalilito
 Ano nga bang nais pahiwatig?
 Naririto (naririto), nalilito (nalilito)
 Dapat bang sumuko o manalig? (Dapat bang sumuko?)
 Tunay o laro man 'to
 Ay umaasa ang puso, oh, oh
 Ito'y palaisipang misteryo, oh, oh, oh
 Pag-ibig ay sadyang
 May nakakabit na malapalaisipang misteryo, oh, oh, oh
 Oh, oh, isang misteryo
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:57
Key
4
Tempo
150 BPM

Share

More Songs by Sarah Geronimo

Albums by Sarah Geronimo

Similar Songs