Masdan Mo Ang Kapaligiran

1 views

Lyrics

Wala ka bang napapansin
 Sa iyong mga kapaligiran?
 Kay dumi na ng hangin
 Pati na ang mga ilog natin, ooh
 Hindi nga masama ang pag-unlad
 At malayo-layo na rin ang ating narating
 Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
 Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
 Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
 Sa langit, 'wag na nating paabutin
 Upang kung tayo'y pumanaw man
 Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
 Mayro'n lang akong hinihiling
 Sa aking pagpanaw, sana'y tag-ulan
 Gitara ko'y aking dadalhin
 Upang sa ulap na lang tayo magkantahan, oh
 ♪
 Ang mga batang ngayon lang isinilang
 May hangin pa kayang matitikman?
 May mga puno pa kaya silang aakyatin?
 May mga ilog pa kayang lalanguyan? Oh
 Bakit 'di natin pag-isipan
 Ang nangyayari sa ating kapaligiran?
 Hindi nga masama ang pag-unlad
 Kung hindi nakakasira ng kalikasan
 Darating ang panahon na ang ibong dala
 Ay wala nang madadapuan
 Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
 Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan, oh
 Lahat ng bagay na narito sa lupa
 Biyayang galing sa Diyos kahit nu'ng ika'y wala pa
 Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
 'Pagkat 'pag kanyang pinawi, tayo'y mawawala na
 Mayro'n lang akong hinihiling
 Sa aking pagpanaw, sana'y tag-ulan
 Gitara ko'y aking dadalhin
 Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:56
Tempo
75 BPM

Share

More Songs by Sarah Geronimo

Albums by Sarah Geronimo

Similar Songs