Ibulong Sa Hangin

2 views

Lyrics

Halata ba sa 'king mga mata
 Na ako'y may nais padama
 Ngunit ako'y nangangamba
 Baka may masaktang iba
 Halata ba sa kilos ko't galaw
 Puso ko'y may nais isigaw
 Ngunit 'di mabigkas ng labi
 Nag-aalangan kung tama o mali
 Ano bang dapat kong gawin
 Sa magulong isip at damdammin
 'Di ko yata kayang sabihin
 Wala na kong magagawa kung 'di
 Ibulong sa hangin
 Halata ko sa 'yong mga mata
 Na mayroon kang nais pabatid
 Sana'y hanggang dito na lamang
 Pagkat ayaw ko ring masaktan
 Ano bang dapat kong gawin
 Sa magulong isip at damdamin
 'Di ko yata kayang sabihin
 Wala na akong magagawa kung 'di
 Ibulong sa hangin
 Sa hangin kita hahagkan at yayakapin
 'Wag kang mag-alala
 Hindi ito malalaman ng iba, ng iba
 Ano bang dapat kong gawin
 Sa magulong isip at damdamin
 Hindi ko yata kayang sabihin
 Wala na akong magagawa kung 'di
 Ibulong sa hangin
 Wala na akong magagawa kung 'di
 Ibulong sa hangin
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:14
Key
4
Tempo
72 BPM

Share

More Songs by Sarah Geronimo

Albums by Sarah Geronimo

Similar Songs