Umaaraw, Umuulan

Lyrics

Hindi mo maintindihan
 Kung ba't ikaw ang napapag-trip-an
 Ng halik ng kamalasan
 Ginapang mong marahan ang hagdanan
 Para lamang makidlatan
 Sa kaitaas-taasan, ngunit
 Kaibigan, huwag kang magpapasindak
 Kaibigan, easy lang sa iyak
 Dahil wala ring mangyayari, tayo'y walang mapapala
 Huwag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan
 May panahon para maging hari, may panahon para madapa
 Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan
 Umaaraw, umuulan
 Umaaraw, umuulan
 Ang buhay ay sadyang ganyan
 Umaaraw, umuulan
 ♪
 'Wag kang maawa sa iyong sarili
 Isipin na wala ka nang silbi
 Sa dambuhalang kalokohan
 Bukas, sisikat din muli ang araw
 Ngunit para lang sa may tiyagang maghintay (maghintay)
 Kaya't kaibigan, huwag kang magpapatalo
 Kaibigan, itaas ang noo (yeah)
 Dahil wala ring mangyayari, tayo'y walang mapapala
 Huwag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan
 May panahon para maging hari, may panahon para madapa
 Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan
 Umaaraw, umuulan
 Umaaraw, umuulan
 Ang buhay ay sadyang ganyan
 Umaaraw, umuulan
 ♪
 Dahil wala ring mangyayari, tayo'y walang mapapala
 Huwag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan
 May panahon para maging hari, may panahon para madapa
 Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan
 Umaaraw, umuulan
 Umaaraw, umuulan
 Ang buhay ay sadyang ganyan
 Umaaraw, umuulan
 

Audio Features

Song Details

Duration
06:58
Key
9
Tempo
135 BPM

Share

More Songs by Rivermaya

Albums by Rivermaya

Similar Songs