Padayon

Lyrics

Isang basong tubig galing sa poso
 Inutang na kanin at malamig na ginamos
 Konting asin sa plastik na platito
 Busog na, bay? Pwede nang magtrabaho
 Sa aking balikat ay papasanin
 Tatlong daang kilo ng asukal
 Limang daang sako ng denorado
 Sanlibong kaha ng delata
 Sampung tonelada ng harina
 ♪
 Kalawanging bubong, pader na may butas
 Posteng pilay at sahig na paduyan-duyan
 Itong aking palasyo'y pagkatibay-tibay
 Pero pwede na, p're, tuloy ang hanapbuhay
 Ngayong araw ay tatapusin ko
 Isang subdivision, limampung hektarya
 Tatlong dosenang mansyon na magara
 Higanteng gusali, likha sa semento
 Kilo-kilometro ng kalsada, hey
 ♪
 Ooh, kay tamis ng buhay
 Ooh, kay daling umasenso
 Hangarin ko'y makatikim ng konting hayahay
 Subalit kailangang ipagpatuloy ang hanapbuhay
 'Pagkat walang ibang makagagawa nito
 Paandarin ang makinarya
 Bigyan ng buhay ang industriya
 Patakbuhin ang ekonomiya
 Padayunon ang pagpangita
 Padayon
 Padayon
 Padayon
 Padayon
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:10
Key
2
Tempo
79 BPM

Share

More Songs by Rivermaya

Albums by Rivermaya

Similar Songs