Yugto

Lyrics

Oh-oh, oh, oh, oh
 Oh-oh, oh, oh, oh
 Sa gitna ng kagubatan, may ahas na hahalik
 Tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik
 Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo
 Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo
 Sa gitna ng kaguluhan, may kumukulong bulkan
 'Di mapigil ang yabang at sakdal na kasakiman
 Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya
 Kung kaya kang paikutin, tiyak paiikutin ka
 Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
 Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog
 Lumiyab ka
 Lumiyab
 Oh-oh, oh, oh, oh
 Oh-oh, oh, oh, oh
 Sa gitna ng kadiliman, may buwitreng nagmamasid
 May magbabato ng putik, ngunit walang mayayanig
 Iiyak ang mga batang nahulugan ng kendi
 Lalo na ang mga problema, sa iba sinisisi
 Sa gitna ng kagubatan, may ahas na hahalik
 Itinuring mong kaibigan na pinakamatalik
 Leeg mo'y pupuluputan, dugo mo'y sisipsipin
 'Pag wala ka nang pakinabang, ang ending mo ay sa bangin
 Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
 Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog
 Lumiyab ka
 Lumiyab, lumiyab
 ♪
 Tuwing hating-gabi, maririnig mo ang huni
 Ng mga kalul'wang naliligaw
 Lahat ng pera sa mundo, hindi kayang gawing ginto
 Ang huwad na tao
 Ang mga tinig, palakas nang palakas
 Hanggang gumuho ang mga hadlang
 Ang mga tinig, palakas nang palakas
 Hanggang gumuho ang mga hadlang
 ♪
 Saksi ang langit sa lahat ng naganap
 Saksi ang langit sa ikalawang yugto
 Lumiyab ka
 Lumiyab ka
 (Sa ngalan ng katotohanan) Lumiyab ka
 (Sa ngalan ng iyong dangal)
 (Ang puso at iyong isipan) Lumiyab, lumiyab
 (Ialay mo sa Maykapal) Lumiyab
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:26
Key
6
Tempo
120 BPM

Share

More Songs by Rico Blanco

Albums by Rico Blanco

Similar Songs