Gabay Mo Ako

Lyrics

Gabay mo ako
 Noon, tulad mo rin akong gulong-gulo
 Sarili ay 'di matagpuan
 Walang patutunguhan
 Gabay mo ako
 Tulad mo rin akong kay tagal naghintay
 Para bang ako'y naiiba
 Lagi nang nag-iisa
 'Wag kang mangamba, gabay mo ako
 Sasamahan kita sa t'wina
 Hindi mo alam, nasa 'yo ang landas
 At ikaw ang may dala ng 'yong bukas
 Sikapin mo sana, mahal
 Na hanapin ang tunay na ikaw
 'Pagkat tanging doon lang, sinta
 Matatagpuan ang ligaya
 Magkakaroon ng pag-asa
 Mauunawaan mong tunay
 Ang pag-ibig ko sa 'yo, sinta
 'Wag kang mangamba, gabay mo ako
 Sasamahan kita sa t'wina
 Hindi mo alam, nasa 'yo ang landas
 At ikaw ang may dala ng 'yong bukas
 Sikapin mo sana, mahal
 Na hanapin ang tunay na ikaw
 'Pagkat tanging doon lang, sinta
 Matatagpuan ang ligaya
 Magkakaroon ng pag-asa
 Mauunawaan mong tunay
 Ang pag-ibig ko sa 'yo, sinta

Audio Features

Song Details

Duration
04:02
Key
2
Tempo
145 BPM

Share

More Songs by REY VALERA

Albums by REY VALERA

Similar Songs