Walang Hanggang Ikaw

2 views

Lyrics

Paano bibilangin ang walang hanggang bukas?
 Paano susukatin ang hindi nagwawakas?
 'Di makaya ng isipan ang nadaramang tunay
 Siyang pangakong kailanman habang may buhay
 Ikaw ang panaginip kong ngayo'y natutupad
 Ikaw ang pinangarap kong noo'y hinahangad
 Ang walang hanggang pag-ibig sa damdamin ko'y gabay
 Hihimlay sa 'yong bisig hindi mawawalay
 'Di mauubos ang bukas
 'Di matatapos ang oras
 Simula hanggang wakas
 Ang pag-ibig mo'y walang kupas
 Maging balang araw ay walang hanggang ikaw
 Ako'y minahal mo na noon hanggang ngayon (Hanggang ngayon)
 Ako ay mahalin mo pa pang habang panahon (Pang habang panahon)
 Hindi ako mangangailangan ng pag-ibig sa iba
 'Pagkat walang alinlangan ikaw lamang sinta
 'Di mauubos ang bukas ('Di mauubos ang bukas)
 'Di matatapos ang oras ('Di matatapos ang oras)
 Simula hanggang wakas
 Ang pag-ibig mo'y walang paglipas
 Maging balang araw ay walang hanggan (Ay walang hanggan)
 Simula hanggang wakas
 Ang pag-ibig mo'y walang paglipas
 (Maging balang araw) Balang araw ay walang hanggang ikaw
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:43
Key
7
Tempo
124 BPM

Share

More Songs by Regine Velasquez

Albums by Regine Velasquez

Similar Songs