This Time

Lyrics

Ang pangarap ko'y nagmula sa 'yo
 Sa 'yong ganda, ang puso'y 'di makalimot
 Tuwing kapiling ka, tanging nadarama
 Ang pagsilip ng bituin sa 'yong mga mata
 Ang saya nitong pag-ibig
 Sana ay 'di na mag-iiba
 Ang pangarap ko ang 'yong binubuhay
 Ngayong nagmamahal ka sa 'kin nang tunay
 At ang tinig mo'y parang musika
 Nagpapaligaya sa munting nagwawala
 Ang sarap nitong pag-ibig
 Lalo pa no'ng sinabi mong
 Dadalhin kita sa 'king palasyo
 Dadalhin hanggang langit ay manibago
 Ang lahat ng ito'y pinangako mo
 Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
 Nang mawalay ka sa aking pagsinta
 Bawat saglit, gabing lamig ang himig ko
 Hanap ang yakap mo, haplos ng iyong puso
 Parang walang ligtas kundi ang lumuha
 Ang hapdi din nitong pag-ibig
 Umasa pa sa sinabi mong
 Dadalhin kita sa 'king palasyo
 Dadalhin hanggang langit ay manibago
 Ang lahat ng ito'y pinangako mo
 Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
 Umiiyak, umiiyak ang puso ko
 Alaala pa ang sinabi mo noong nadarama pa ang pag-ibig mo, oh
 Dadalhin kita sa 'king palasyo, ooh
 Dadalhin hanggang langit ay manibago
 Ang lahat ng ito'y pinangako mo, whoa
 Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
 (Dadalhin kita sa 'king palasyo)
 (Dadalhin hanggang langit ay manibago)
 Ang lahat ng ito'y pinangako mo
 Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
 Dadalhin, hmm

Audio Features

Song Details

Duration
04:06
Key
4
Tempo
200 BPM

Share

More Songs by Regine Velasquez

Albums by Regine Velasquez

Similar Songs