Kastilyong Buhangin

3 views

Lyrics

Minsan, ang isang pangako'y maihahambing
 Sa isang kastilyong buhangin
 Sakdal-rupok at huwag 'di masaling
 Guguho sa ihip ng hangin
 Ang alon ng maling pagmamahal
 Ang siyang kalaban niyang mortal
 Kapag dalampasiga'y nahagkan
 Ang kastilyo ay nabubuwal
 Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa
 Sa minumutya, sa diwa't gawa
 Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
 Kahit pa magsanga ng landas
 Minsan, dalawang puso'y nagsumpaan
 Pag-ibig na walang hanggan
 Sumpang kastilyong buhangin pala
 Pag-ibig na pansamantala
 Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa
 Sa minumutya, sa diwa't gawa
 Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
 Kahit pa magsanga ng landas
 Minsan, dalawang puso'y nagsumpaan
 Pag-ibig na walang hanggan
 Sumpang kastilyong buhangin pala
 Pansamantala, luha ang dala
 'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin
 Gumuhong kastilyong buhangin

Audio Features

Song Details

Duration
03:54
Tempo
129 BPM

Share

More Songs by Regine Velasquez

Albums by Regine Velasquez

Similar Songs