Ano ba ang dating ng bagong babae?
Masikap, masinop, masuri, maunlad, dakila
Sino ba ang dapat tularan?
Teodora Alonso, Melchora Aquino
Gabriela Silang, Prinsesa Urduja, Teodora Agoncillo
Babae, bumangon ka
Gumising ka, 'pakita mo kung sino ka
'Wag kang padala sa hirap na 'yong nadarama
Tayo ay magtulungan, walang iwanan
Babaeng malaya
Babae, bumangon ka
Gumising ka, 'pakita mo kung sino ka
'Wag kang padala sa hirap na 'yong nadarama
Tayo ay magtulungan, walang iwanan
Babaeng malaya
Bakit ka pumayag na ika'y mabihag?
Ginawang alipin ang iyong katawan
Huwag kang matakot at iyong ipaglaban
Isigaw ang taglay mong katarungan
Kaya't babae, bumangon ka
Gumising ka, 'pakita mo kung sino ka
'Wag kang padala sa hirap na 'yong nadarama
Tayo ay magtulungan, walang iwanan
Babaeng malaya
Palagi ka na lang sunod-sunuran sa kanila
Wala kang sariling isip at adhika
Sinabi ko naman sa 'yo, 'wag ka nang pa-Ma. Clara
Karapatan mo ang iyong paglaya
Kaya't babae, bumangon ka
Gumising ka, 'pakita mo kung sino ka
'Wag kang padala sa hirap na 'yong nadarama
Tayo ay magtulungan, walang iwanan
Babaeng malaya
Babae, bumangon ka (sa oras ng pagsubok, hindi ka nag-iisa)
Gumising ka, 'pakita mo kung sino ka (tandaan mo, hatid ng bukas ay pag-asa)
'Wag kang padala sa hirap na 'yong nadarama
Tayo ay magtulungan, walang iwanan
Babaeng malaya
Babae, bumangon ka
Gumising ka, 'pakita mo kung sino ka