Kumusta Ka
Lyrics
Kumusta ka? Ikaw ay walang pinag-iba Gan'yan ka rin nang tayo ay huling magkita Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo Tinitingnan kita hanggang wala ka na Kumusta ka? May ibang kislap ang 'yong mata Halata na ang daigdig mo ngayon ay kay saya Siguro ay nagmamahal ka na nang totoo Siya ba'y katulad ko nu'ng tayong dalawa? Oh, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal Walang masabi kundi, "Kumusta ka?" Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo Tinitingnan kita hanggang wala ka na Kumusta ka? Ano ba'ng dapat sabihin pa? Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago Hanggang ngayon, sinta, mahal pa rin kita Oh, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal Walang masabi kundi, "Kumusta ka?" Oh, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal Walang masabi kundi, "Kumusta ka?" Kumusta ka? 'Di ka ba sa akin natatawa? Walang masabi kundi, "Kumusta ka?"
Audio Features
Song Details
- Duration
- 03:26
- Tempo
- 80 BPM