Tila

Lyrics

Tila inulan ang puso ko
 Nang nanlamig ang 'yong pagsuyo
 Oh, bakit nagbago ang iyong pagtingin?
 Parang malamig na panahon
 At nang ikaw ay kinausap ko
 Habang ang ulan ay bumubuhos
 Nakita ko sa 'yong mga mata
 Na gaganda ang panahon
 Tila hihina rin ang ulan
 Tila lilipas din ang bagyo
 Kahit madilim ang kalawakan
 May nagtatagong sinag sa ulap
 Tila inulan ang puso ko
 Nang parang naglaho ang pag-ibig mo
 Oh, bakit ka kaya nagbago?
 'Sinlamig ng panahon
 Tila hihina rin ang ulan
 Tila lilipas din ang bagyo
 Liliwanag din ang kalangitan
 At ang araw ay sisikat na muli
 Ang karimlan ay haharapin
 Matatanaw ko rin, bughaw na langit
 Umaasang pag-ibig mo ay magbabalik
 Pawiin mo ang lungkot sa puso ko
 Kahit madilim ang kalawakan
 May nagtatagong sinag sa ulap
 Tila hihina rin ang ulan
 Tila lilipas din ang bagyo
 Liliwanag din ang kalangitan
 At ang araw ay sisikat na muli
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:27
Key
7
Tempo
148 BPM

Share

More Songs by Lani Misalucha

Albums by Lani Misalucha

Similar Songs