Wakas

Lyrics

Ilog at dagat, naiiga rin
 Namamatay ang kislap ng bituin
 Kahit ang araw, magdidilim din
 Dahil may wakas ang lahat man din
 Ang lahat ng bagay ay may wakas
 Tulad din ng pag-ibig mo
 Ngunit mabubuhay kung singwagas
 Ng pag-ibig ko sa 'yo
 Huni ng ibon, bakit kay tamis?
 Nawawalang himig, tunog ay hapis
 Ang kaligayahan, kapag umalis
 Wakas na iiwa'y paghihinagpis
 Kahit alaala ay may wakas
 Tulad din ng paglimot mo
 Buhay na alaala ang s'yang lakas
 Ng pag-ibig ko sa 'yo
 Sugat ng puso, patak ng ulan
 May wakas din, kung kaya ay kailan?
 Wagas kong pag-ibig, kung magwawakas man
 Kapag nagwakas na ang kailanman
 Kapag nagwakas na ang kailanman
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:00
Tempo
140 BPM

Share

More Songs by Kuh Ledesma

Albums by Kuh Ledesma

Similar Songs