Velarde Medley- Minamahal Kita, Ikaw, Buhat,Dahil sa Iyo

2 views

Lyrics

Kung aking wariin, sinta
 May naghihintay na ibigan ka
 Kung nais malaman, sinta
 Bakit tangi kang minamahal?
 Ikaw lang ang tunay at s'yang dahilan
 Ng aking kaligayahan
 Minamahal, minamahal kita
 Pagsinta ay hindi mag-iiba
 Hindi mo ba nadarama, sinta?
 Bawat kilos ko'y pangarap ka
 Minamahal, minamahal kita
 At nasa iyo ang tanging pag-asa
 Asahan mong dalangin ko, tuwina
 Minamahal, minamahal kita
 Ikaw ang aking panaginip
 Ikaw ang tibok ng dibdib
 Pusong humihibik, dinggi't umaawit
 Tinataghoy ay pag-ibig
 Ikaw ang ligaya sa buhay
 Pag-ibig ko'y walang kamatayan
 Puso ko'y nangumpisal sa birheng dalanginan
 Na ang pangarap ko'y ikaw
 Buhat nang ikaw'y masilayan
 Buhat nang mapanaginipan
 Laging hinahanap at inaasam
 Giliw ay damhin n'ya ri'ng pagmamahal
 At magbuhat nang makita ka lamang
 Bawat masdan ko'y kariktan
 Dulot ng sadyang kaligayahan
 Na nagbuhat sa 'yo, buhay n'ya ring buhay
 Dapat mong tantuhin, wala nang ibang giliw
 Puso ko'y tanungin, ikaw at ikaw rin
 Dahil sa 'yo, ako'y lumigaya
 Pagmamahal, alalayan ka
 Kung tunay mang ako ay alipinin mo
 Ang lahat sa buhay ko'y dahil sa 'yo
 

Audio Features

Song Details

Duration
07:03
Key
5
Tempo
84 BPM

Share

More Songs by Kuh Ledesma

Albums by Kuh Ledesma

Similar Songs