Mahal

Lyrics

Mahiwagang kasaysayan ito
 Alaala ng mundo ay wasto
 Mga lihim ay isasalaysay
 Nang sumapit ang liwanag, islang mahal
 Pinagpalang lupa ng Maykapal
 Palaruan ng diwata at Diyos
 Waring pusod na s'yang pinagmulan
 Balikan nang iyong malaman, islang mahal
 Mga araw na tigib ng galak
 Mga bukid na namumulaklak
 Takip-silim na mistulang bango
 Gunita ng nakalipas, islang mahal
 ♪
 Daigdig ay s'yang sariling likha
 Buhay man ay s'yang sariling katha
 Kung ano ang s'yang nasa isipan
 Ang tadhanang aabutan, aking mahal
 Mahiwagang kasaysayan ito
 Alaala ng mundo ay wasto
 Mga lihim ay isasalaysay
 Nang sumapit ang liwanag, islang mahal
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:33
Key
7
Tempo
133 BPM

Share

More Songs by Kuh Ledesma

Albums by Kuh Ledesma

Similar Songs