Lihim

Lyrics

Lihim na umiibig sa 'yo
 Lagi kang laman ng isip ko
 Lihim na pinapangarap ka ng puso ko
 Walang may alam nito
 Sabihin kung ano'ng dapat gawin
 Damdamin ba'y dapat kong pigilin?
 Mahirap ang umibig lalo na't ito'y lihim
 Hanggang ngayo'y 'di mo pansin
 Lihim kang pinapangarap ko
 Puso ko'y sadyang binihag mo
 Ang aking nadaramang lihim na pagtingin sa 'yo
 Lihim na iingatan ko
 Langit lang ang may alam nito
 At ang bituin, kinakausap ko
 Tama na'ng kapiling ka sa bawat panaginip ko
 Lihim na umiibig sa 'yo
 ♪
 Bakit ba ako nahihiya?
 Nag-iingat na huwag mahalata
 Bakit ba sa puso ko ako'y nangangambang
 Malaman mong mahal kita?
 Lihim kang pinapangarap ko
 Puso ko'y sadyang binihag mo
 Ang aking nadaramang lihim na pagtingin sa 'yo
 Lihim na iingatan ko
 Langit lang ang may alam nito
 At ang bituin, kinakausap ko
 Tama na'ng kapiling ka sa bawat panaginip ko
 Lihim na nangangarap
 Lihim na nagmamahal
 Lihim na umiibig sa 'yo
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:27
Tempo
93 BPM

Share

More Songs by Kuh Ledesma

Albums by Kuh Ledesma

Similar Songs