Laruan

Lyrics

'Di laruan itong pag-big
 'Di laruan ang magmahal
 Dahil ang gawang umibig
 Ay 'sang damdaming banal
 ♪
 Laruan ba itong pag-ibig
 Para sa dalawang puso
 Kung kailan nawalan ng init
 Saka itinapon wari'y napaso
 Bakit ganito ang iginanti
 Sa pag-ibig kong lagi nang tapat
 Laruan ba ito, ba't iyong inapi
 Matapos kunin lahat
 Kung sa 'yo ay laruan lamang
 Ang ika'y mahaling tunay
 Sa ganitong laro wala akong tapang
 Dahil ang pag-ibig sa akin ay buhay
 Bakit ganito ang iginanti
 Sa pag-ibig kong lagi nang tapat
 Laruan ba ito, ba't iyong inapi
 Matapos kunin lahat
 'Di laruan itong pag-big
 'Di laruan ang magmahal
 Dahil ang gawang umibig
 Ay 'sang damdaming banal
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:25
Tempo
136 BPM

Share

More Songs by Kuh Ledesma

Albums by Kuh Ledesma

Similar Songs