Flor De Liza

Lyrics

Flor De Liza, sa 'yong isip na kamusmusan ngayon
 'Di mo mauunawaan ang gulo ng panahon
 Minsan nga sa aking sarili nasasabi ko ito
 "Buti pa ang mga bata at malayo sa tukso"
 Langit sa 'kin Flor De Liza ang masdan kang may ngiti
 'Di sa 'yo at sa 'kin lamang ang paglugha't paghikbi
 Sana'y ipagpaubaya na sa 'yong munting mundo
 Kung kalungkuta'y dadalaw, ito ay akuhin ko
 Tuwina ang sikat ng umaga
 Ang simoy ng pag-asa
 Ay sa inyo laan sa kabataan
 Flor De Liza ang sikat ng umaga
 Ang simoy ng pag-asa
 Sa tulad mo laan
 Flor De Liza ang biyaya sa inyo'y naghihintay
 Dahil ang muhi sa kapwa sa puso niyo'y 'di taglay
 'Di kayo mapang-api at hindi rin mapagdamot
 Ang halos lahat sa amin kabutiha'y nalimot
 Kung maibabalik ko lamang ang kamay ng orasan
 Makapagpaanod tungo sa aking kamusmusan
 Gagawin ko Flor De Liza upang makatulad mo
 Na wala pang kamalayan sa sama nitong mundo
 Tuwina ang sikat ng umaga
 Ang simoy ng pag-asa
 Ay sa inyo laan sa kabataan
 Flor De Liza ang sikat ng umaga
 Ang simoy ng pag-asa
 Sa tulad mo laan o Flor De Liza
 Flor De Liza ang sikat ng umaga
 Ang simoy ng pag-asa
 Sa tulad mo laan o Flor De Liza
 Flor De Liza la-la-la-la-la-la-la-la-la-
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:33
Key
9
Tempo
66 BPM

Share

More Songs by Kuh Ledesma

Albums by Kuh Ledesma

Similar Songs