Kailan Pa

Lyrics

Hindi ba't kailan lang, sinabi mo
 Kailanman ay tayo
 Ba't ngayon bigla kang nagbago
 Ang dating pagsuyo'y dagliang naglaho
 Pa'no ang mga pangako?
 Kung ngayon ako'y iiwan mo
 Akala ko na kailanman
 Hanggang walang-hanggan
 Ang pag-ibig at pagmamahalan
 Sadya bang mawawala na lang
 Ang mga kailanman
 Di ba't kailan lang
 Kailan pa ba ang kailanman
 Huwag naman sana
 Huwag na lang
 Pagbibigyan mo lang naman ako
 Hindi ako susuko
 Alam kong kaya kong muling ibalik
 Ang tamis ng iyong halik
 Pusong nananabik
 Meron bang natitirang pag-asa
 O dapat bang magpaalam na?
 Paano na ang kailanman
 Hanggang walang-hanggan
 Ang pag-ibig at pagmamahalan
 Sadya bang mawawala na lang
 Ang mga kailanman
 Di ba't kailan lang
 Kailan pa ba ang kailanman
 Huwag naman sana
 Huwag na lang
 Sana nga ay may pag-ibig pang
 Nakalaan para sa isa't isa
 Sana na lang
 Wala na ba ang kailanman
 Hanggang walang-hanggan
 Ang pag-ibig at pagmamahalan
 Sadya bang mawawala na lang
 Ang mga kailanman
 Di ba't kailan lang
 Kailan nga ba ang kailanman
 Huwag naman sana
 Huwag na lang (ooh, oooh)
 Kailan nga ba ang kailanman
 Huwag naman sana
 Huwag na lang

Audio Features

Song Details

Duration
04:10
Key
2
Tempo
130 BPM

Share

More Songs by Gary Valenciano

Albums by Gary Valenciano

Similar Songs