Usapan

Lyrics

Ang pagdadalaga'y 'di biro-biro
 Katulad ng sinasapit ko
 Ang nagaganap ngayon ay isang makulay na yugto
 Ligaw tingin at ngiting malambing ng mga binatilyo sa akin
 At hindi ko alam kung ito'y aking papansinin
 Sa tunay lang, hindi pa handa
 Ang puso ko sa pagsinta
 Saya ng pagkakaibigan ang mahalaga
 Mahirap pigilan ang damdamin ko
 At ikaw ay gustong-gusto ko
 Nasa isip kita maghapon at 'yan ang totoo
 Mapalad akong kaibigan kita
 At hindi ko ipagkakaila
 Sa buong barkada'y, ikaw lang ang siyang naiiba
 O kay bigat na kay ganda
 Pag-ibig ay narito na
 Kumakatok sa puso mo, tanggapin mo sana
 'Di laruan ang pagmamahalan
 Kung 'di pa sapat, sagan lang
 Ang pag-ibig ko ay naro'n sa takdang panahon
 Buti na rin kung 'yan ang ibig mo
 Utos sa 'kin ang hiling mo
 Ako ay maghihintay kahit pa habang-buhay
 Tunay kang mahalaga sa akin
 Ako ay sang-ayon na rin
 Ang tunay na pagkakaibiga'y yaman ng buhay
 Ang gusto mo ang ibig ko
 Nais nating bigyang daan
 Ang pagsasamang wasto sa kapwa't kaibigan
 Dahan-dahan, unti-unti
 At 'wag sanang magmadali
 Ang lahat ng bagay ay may takdang sandali
 Ang puso mo at puso ko
 Ang puso niya at ng mundo
 Kapwa nangangarap ng ligayang totoo
 Ating iwan ang nakaraan
 Aral nito'y tatandaan
 Ang mali at gulo ay dapat nang iwasan
 Para sa 'yo at sa 'kin din
 Ang bukas na dumarating
 Alang-alang sa puso, pagbutihan natin
 Ang gusto mo, ang ibig ko
 Nais nating bigyang daan
 Ang pagsasamang wasto sa kapwa't kaibigan
 Dahan-dahan, unti-unti
 At 'wag sanang magmadali
 Ang lahat ng bagay ay may takdang sandali
 Ang puso mo at puso ko
 Ang puso niya at ng mundo
 Kapwa nangangarap ng ligayang totoo
 Ating iwan ang nakaraan
 Aral nito'y tatandaan
 Ang mali at gulo ay dapat nang iwasan
 Para sa 'yo at sa 'kin din
 Ang bukas na dumarating
 Alang-alang sa puso, pagbutihan natin

Audio Features

Song Details

Duration
06:59
Key
5
Tempo
149 BPM

Share

More Songs by Donna Cruz

Albums by Donna Cruz

Similar Songs