Isang Tanong, Isang Sagot

6 views

Lyrics

Isang tanong, isang sagot
 Wala na ngang ikot-ikot
 Gusto ko lang liwanagin
 Ako ba ay mahal mo rin?
 Nakita ko sa kilos mo
 Na may tibok rin ang puso
 Wala ka lang sinasabi
 Bitin tuloy ako
 Ang hirap naman ng lagay ko
 'Di pwedeng mauna sa 'yo
 Kailan ko ba maririnig
 Na 'kin ang 'yong pag-ibig?
 Isang tanong, isang sagot lang ang akin
 Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin?
 Kapag inamin mong ako'y mahal mo, oh-oh
 Hanggang langit ang lundag ko
 Isang tanong, isang sagot lang ang akin
 Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin?
 Kapag inamin mong ako'y mahal mo, oh-oh
 Hanggang langit ang lundag ko, whoa, whoa
 ♪
 Bawa't araw nang magising
 Pag-ibig ko'y lumalalim
 Hangga't hindi mo aminin
 Lalong nabibitin
 Sa lambing na napapansin
 At lagkit ng iyong tingin
 Ano pa ba'ng iisipin
 Sa ibig sabihin?
 Tapusin mo na nga ang pag-ikot
 Ng isipan at puso ko
 Ngayon sana ay marining
 Na 'kin ang iyong pag-ibig
 Isang tanong, isang sagot lang ang akin
 Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin?
 Kapag inamin mong ako'y mahal mo, oh-oh
 Hanggang langit ang lundag ko
 Isang tanong, isang sagot lang ang akin
 Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin?
 Kapag inamin mong ako'y mahal mo, oh-oh
 Hanggang langit ang lundag ko, whoa
 ♪
 Isang tanong, isang sagot talaga ang akin
 Ako ba ang mahal ng puso at damdamin?
 Sige na, aminin mong ako'y mahal mo, oh-oh
 Hanggang langit lundag ng puso ko
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:28
Key
7
Tempo
105 BPM

Share

More Songs by Donna Cruz

Albums by Donna Cruz

Similar Songs