Wala Kang Katulad

4 views

Lyrics

Mula nang kita'y makilala
 Walang ibang naaalala
 Kung 'di ang tamis ng iyong ngiti
 Parang nagsasabing, mahal mo ako
 ♪
 Ibang-iba ka, aking giliw
 Sa lahat nang nakilala
 Walang ibang naghahatid ng sigla tulad mo, sinta
 Wala kang katulad, wala nang hihigit pa sa iyo
 Wala kang kaparis, wala nang gaganda pa sa iyo
 'Di ka maihahambing kahit kanino pa, labis ang 'yong ganda
 Wala kang katulad at mahal kita
 ♪
 Iisa lamang ang nais
 Ang makapiling kang lagi
 At pagmasdan ang iyong nangungusap na mga mata
 Oh, kay ganda
 ♪
 Lagi akong umaasang
 Habang-buhay tayo'y magsasama
 'Wag kang mabahala, sa piling ko ay liligaya ka
 Wala kang katulad, wala nang hihigit pa sa iyo
 Wala kang kaparis, wala nang gaganda pa sa iyo
 'Di ka maihahambing kahit kanino pa, labis ang 'yong ganda
 Wala kang katulad at mahal kita
 Minsan pa lamang sa aking buhay
 Nakadama ng ganito
 ♪
 Wala kang katulad, wala nang hihigit pa sa iyo
 Wala kang kaparis, wala nang gaganda pa sa iyo
 'Di ka maihahambing kahit kanino pa, labis ang 'yong ganda
 Wala kang katulad, wala kang katulad
 Wala kang katulad at mahal kita
 At mahal kita
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:19
Key
6
Tempo
110 BPM

Share

More Songs by Ariel Rivera

Albums by Ariel Rivera

Similar Songs