Kung Ako Na Lang Sana

2 views

Lyrics

Heto ka na naman, kumakatok sa 'king pintuan
 Muling naghahanap ng makakausap
 At heto naman ako, nakikinig sa mga kuwento mong paulit-ulit lang
 Nagtitiis kahit nasasaktan
 Ewan kung bakit ba, hindi ka ba nadadala?
 Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan n'ya?
 At ewan ko nga sa 'yo, parang balewala ang puso ko
 Ano nga ba'ng mayro'n s'ya (ano nga ba'ng mayro'n s'ya?)
 Na sa akin ay 'di mo makita?
 Kung ako na lang sana ang 'yong minahal, 'di ka na muling mag-iisa
 Kung ako na lang sana ang 'yong minahal, 'di ka na muling luluha pa
 'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
 Narito ang puso ko (narito ako), naghihintay lamang sa 'yo
 Heto pa rin ako, umaasang ang puso mo
 Baka sakali pang ito'y magbago (naghihintay na lang)
 Narito lang ako (narito lang ako), kasama mo buong buhay mo
 Ang kulang na lang, mahalin mo rin akong lubusan
 Kung ako na lang sana ang 'yong minahal, 'di ka na muling mag-iisa
 Kung ako na lang sana ang 'yong minahal, 'di ka na muling luluha pa
 'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
 Narito ang puso ko (narito ako), naghihintay lamang sa 'yo
 Kung ako na lang sana
 Ooh, whoa, whoa

Audio Features

Song Details

Duration
04:08
Key
6
Tempo
126 BPM

Share

More Songs by Ariel Rivera

Albums by Ariel Rivera

Similar Songs