Kakayanin Ko Ba?

Lyrics

'Di na ako ang dating nakilala mo
 Ang dating matatag at matibay na bato
 Binago mo ang palalong puso ko
 At tinuruang magmahal ng totoo
 Ba't ngayon, iiwan mo?
 Ngayong mahal na nga kita
 Bakit biglang mawawala ka pa
 Kakayanin ko ba
 Ang mawalay ka
 At mabuhay nang nag-iisa
 Aanhin pa ang puso
 Kung wala nang pag-ibig
 Na dati ay nadarama
 Makakaya ko ba
 Ang limutin ka
 Turuan mong muling itago ang puso
 Muling ilihim ang damdamin ko sa'yo
 'Pagkat ngayon limot ko na kung paano
 Ang mabuhay ng wala sa piling mo
 Ewan ko ba't ba gano'n
 Sinabi mong ayaw mo na
 Ngayon pa na kailangan na kita
 Kakayanin ko ba
 Ang mawalay ka
 At mabuhay nang nag-iisa
 Aanhin pa ang puso
 Kung wala nang pag-ibig
 Na dati ay nadarama
 Makakaya ko ba
 Ang limutin ka
 Kaya ko ba?
 Oh-oh
 Kaya ko ba?
 Kakayanin ko ba
 Ang mawalay ka
 At mabuhay nang nag-iisa
 Aanhin pa ang puso
 Kung wala nang pag-ibig
 Na dati ay nadarama
 Makakaya ko ba
 Ang limutin ka
 Makakaya ko ba
 Ang limutin ka
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:40
Key
8
Tempo
140 BPM

Share

More Songs by Ariel Rivera

Albums by Ariel Rivera

Similar Songs